Kapag sa kaligtasan ng mga produktong ginagawa namin, tulad din namin kayo...

Kailangan namin ang lahat ng impormasyon na makukuha namin. Hinihingi namin ang gabay ng mga eksperto at mino-monitor namin ang pinakabagong siyensiya upang matuklasan kung makahulugan ito sa anuman sa aming mga produkto. Nakikinig din kami sa mga taong gumagamit ng aming mga produkto upang maisa-alang alang namin ang kanilang mga karanasan. Kaligtasan ang siyang una sa lahat ng aming mga produktong pangkonsyumer sapagkat ginagamit ninyo ang mga ito sa inyong mga tahanan at kinikilala ninyo kami. Ang kaligtasan ay isang pagpapahalaga naibinabahagi naming lahat.


Sa lahat ng mga uri ng impormasyon na ginagamit namin sa paggawa ng mga produkto, walang impormasyon na mas mahalaga kaysa sa aming pananaliksik sa mga maka-siyentipikong datos at kaligtasan. Hinihigitan pa namin ang mga natuklasan ng mag-isang pag-aaral dahil kailangan naming matiyak na pinagtipun-tipon ang lahat ng mga magagamit na datos mula sa maramihang makasiyentipikong mga hanay ng aktbidad para maabot ang mga konklusyong batay sa ebidensiya. Isang opinyon o pag-aaral na napaglalamangan ang mga deka-dekadang mga pagtuklas na kapani-paniwala, makasiyentipiko, ibinatay sa ebidensya. Bilang isang siyentipiko at, kasinghalaga, ang pagiging magulang ko mismo, ay masasabi ko sa inyo na malinaw ang siyensiya: Ang cosmetic talc ay, at noon pa man, ay ligtas para gamitin sa mga produktong pangkonsyumer.


Lahat tayo ay mga ina, mga ama, at mga mamimili mismo; nauunawaan namin at siniseryoso ang aming responsibilidad upang maibigay sa inyo ang impormasyon na kailangan ninyo para makapagpasiya kayo sa inyong sarili. Nilikha namin ang site na ito para matulungan kayong hanapin nang mas madali ang mga katotohanan tungkol sa talc. Matututunan ninyo kung saan nagmula ang talc, kung paano ito ginagamit sa pang-araw-araw na mga produkto, at kung bakit ligtas ito na gamitin bilang bahagi ng inyong kinaugaliang pangangalaga sa sarili. Una naming inalok ang JOHNSON’S® Baby Powder bilang pinakamahusay na produkto nang higit sa 100 taon na ang nakakaraan. Ngayon, ang aming dibisyong pangkonsyumer ay patuloy ang paggawa at nagbebenta ng JOHNSON’S® Baby Powders na may mga sangkap tulad ng talc at cornstarch. Pinili naming isama ang mga sangkap na ito hindi lamang dahil ginagamit natin ang mga ito sa maraming mga dekada. Pinili naming isama ang mga ito dahil sa mga dekada ng makasiyentipikong gawain na nagsusuporta sa kanilang kaligtasan. Umaasa kami na sa pamamagitan ng pagrepaso sa koleksyon ng mga katotohanang ito tungkol sa talc, ay makararamdam kayo ng magkasintulad na tiwala sa kaligtasan at bisa nito gaya namin.


Tara Glasgow - Vice President of Research & Development, Johnson & Johnson Consumer, Inc.
 

Tara Glasgow

Vice President of Research & Development
Johnson & Johnson Consumer, Inc.

Alam mo ba?

 

Umaasa ang mga pamilya sa talc sa loob ng maraming mga siglo.



Sinaunang panahon
SINAUNANG
panahon

Habang ang isa sa mga pinaka-karaniwang ginagamit na mga sangkap sa mga produktong kosmetiko sa kasalukuyan, ang paggamit ng talc sa mga pampaganda ay ay matagal nang ginagamit buhat pa sa sinaunang Ehipto. Ang talc ay ginamit din ng mga sinaunang mga Assyrian at mga Katutubong Amerikano para sa iba't ibang mga aplikasyon.

MODERNONG
panahon
Modernong panahon
 

Ang pulbong talcum ay ginamit sa ika-19 siglo para maibsan ang pangangati ng balat mula sa mga plaster na may gamot. Natuklasan ng mga mamimili na nakatulong din ito sa pamamantal sa lampin (diaper rash), na humantong sa paglabas ng JOHNSON’S® Baby Powder noong 1893.5

Higit pa sa pulbong talcum

 

ang maraming gamit ng talc

Bagama’t ito ang isa sa pinakakilalang mga paggamit, napakaliit lamang na bahagi ng mundo ang gumagamit ng talc para sa baby powder. Ang sumusunod ay ilan sa iba pang mga karaniwang gamit ng talc:

Pagkain

Chewing gum & na kendi
Chewing gum & na kendi

ang isang manipis na coating ay humahadlang sa pagdikit sa pambalot2

Bigas
Bigas

ginagamit para pampakinis ng mga butil ng puting bigas1

Olive oil
Olive oil

nagpapabuti sa linaw at kalidad ng langis1

Mga kosmetiko & sa Pangangalaga ng Katawan

Pagpapaganda ng mukha
Pagpapaganda ng mukha

nagbibigay ng yari (texture) at sinisipsip ang langis sa pangkulay sa mata, pampakulay-rosas sa pisngi, pulbos sa mukha at foundation 1

Sabon
Sabon

pinabubuti ang pagganap sa pangangalaga ng balat1

Kontra pagpapawis
Kontra pagpapawis

nakakatulong sa pagsipsip sa hamog sa gabi (moisture)3

Medikal

Paggawa ng Tableta
Paggawa ng Tableta

humahadlang sa pagtigas, pang-coat ng mga tableta at ginagamit sa mabagal na pagpalabas ng mga pormula6

Kanser sa baga
Mga pasyente ng kanser sa baga

tumutulong sa paglunas ng pagdami ng likido (pleural effusion) sa pagitan ng baga at pader ng dibdib 6

Cystic Fibrosis
Mga pasyente ng Systic Fibrosis patients

nakakatulong din para maiwasan ang pagdami ng likido sa baga ng mga pasyenteng may cystic fibrosis 7

Aming mga produkto

 

Patuloy naming gagamitin ang talc sa aming mga produkto dahil sa deka-dekada ng siyensya ang muling nagpapatunay sa kaligtasan nito. Dahil sa kaligtasan at pagiging epektibo nito, may tiwala kaming isinama ang ang pang-parmasyutikong gradong talc sa aming mga produkto. Ang inyong pananalig sa aming mga produkto at ang inyong tiwala sa paggamit ng mga ito bawat araw ay isang malaking responsibilidad - kung kaya't gumagamit lamang kami ng mga sangkap sa aming mga produkto na itinuturing na ligtas sa pinakabagong siyensiya.

Mga Dekada ng Kaligtasan

Siyensya, pananaliksik, klinikal na katibayan at 30 taon ng mga pag-aaral ng mga medikal na eksperto sa buong mundo ay patuloy na sumusuporta sa kaligtasan ng cosmetic talc. Ang mga awtoridad sa kalusugan ng U.S. at sa buong mundo na narepaso na ang datos. Ang talc ay tinanggap para gamitin sa mga bansa sa buong mundo, kabilang ang Estados Unidos, European Union, Canada, Argentina, Brazil, China, India, Israel, South Africa, Turkey, at Indonesia.

JOHNSON'S® Baby Powder

Kung sakaling nakapag-alaga ka na ng isang sanggol, marahil ay nagkaroon kayo ng JOHNSON’S® Baby Powder sa inyong tahanan. Ang pulbos na pangsanggol na ginawa mula sa kosmetikong talc ay isa sa pinakalumang tatak ng produktong JOHNSON’S® at matagal nang bahagi ng ritwal sa pangangalaga ng sanggol. Ito ay hypoallergenic, nakatutulong sa pagtanggal ng pagkiskis at klinikal na napatunayan na suwabe at banayad para sa balat ng inyong sanggol. Ang bangong malinis, klasiko ay komportable at kilala para sa kapwa mga magulang at mga bata.

JOHNSON'S® Baby Powder

 

Ang  Pangkalusugang Pag-aaral

ng mga Nars

Ang Pangkalusugang Pag-aaral ng mga Nars (Nurses Health Study) (NHS) ay ang pinakamalaking pag-aaral na isinagawa sa kalusugan ng mga kababaihan kung sakali. Ang pag-aaral ng tagataguyod na pinondohan ng gobyerno ng U.S. ay natingnan ang mga salik sa panganib ng mga pangunahing sakit na chronic sa mga kababaihan buhat pa noong 1976. Kabilang sa maraming iba pang naungusan, pananaliksik mula sa NHS ay nakatulong na maibunyag ang kaugnayan sa pagitan ng paninigarilyo at mga sakit sa puso ng kababaihan, at nagpasimuno sa pagdebelop ng mga terapiyang hormonal para sa paggagamot ng kanser sa suso.

Ang paggamit ng talc sa bahagi ng NHS ay kabilang ang 78,630 na kababaihan na sinundan sa loob ng 24 taon, sa kabuuan.8,9 Tinanong sila kung kailanman ay gumamit sila pulbos na talcum sa bahagi ng kanilang ari o sa mga sanitary napkin. Mga 40 porsiyento ng mga kababaihan ay sumagot ng oo at ibinilang sa grupo na gumagamit ng talc.8,9

24

taon ng pag-aaral
nang humigi't kumulang sa

31,344

mga gumagamit ng talc
na mga kababaihan

mula
sa

78,630

sinubaybayang
mga kababaihan

NAGPAKITA NG WALANG PANGKALAHATANG PAGTAAS
sa panganib ng kanser sa obaryo

Ang datos ng pag-aaral ay nagpakita na walang dagdag sa pangkalahatang pagdami ng kanser sa obaryo mula sa mga gumagamit ng talc, sa kabila ng kung gaano kadalas sila gumamit ng talc. Walang pagkakaiba sa bilis ng pagdami ng kanser sa obaryo mula sa mga kababaihan na ginamit ang pulbo nang direkta sa kanilang mga katawan o sa mga produktong sanitary.8,9

Ang Inisyatibang Pag-aaral sa Kalusugan
ng mga Kababaihan

Ang Inisyatibang Pag-aaral sa Kalusugan (Women’s Health Initiative) (WHI) ay itinatag ng U.S. National Institutes of Health noong 1991 upang mapag-aralan ang kalusugan ng mga kababaihang postmenopausal. Kabilang sa maraming mga isyu na sinuri ng pangkat ng pag-aaral na ito ay ang kaugnayan sa pagitan hormone therapy at kanser sa suso at ang mga epekto ng diyeta sa kanser at sakit sa puso. Ang bahagi sa paggamit ng talc sa WHI ay kabilang ang 61,576 mga kababaihan, na 53 porsiyento ay siyang nagsabi na gumamit sila ng pulbo sa kanilang mga ari, sanitary napkins o diaphragms. Ang kababaihan sa pag-aaral na ito ay sinubaybayan sa pagitan ng 1993 at 2012.

18

taon ng pag-aaral
nang humigi't kumulang sa

32,219

mga gumagamit ng talc
na mga kababaihan

mula
sa

61,576

sinubaybayang
mga kababaihan

Nagpakita ng walang PANGKALAHATANG pagtaas
ng panganib ng kanser sa obaryo

Ang datos ng pag-aaral ay nagpakita na walang pagdami ng panganib ng kanser sa obaryo sa mga kababaihan na gumamit ng pulbong talcum, sa kabila ng uring ginamit. Wala ring pagdami ng panganib mula sa mga kababaihan na gumamit ng pulbo nang mas matagal na panahon.10

Iba pang mga Pag-aaral

Sa iba pang mga pag-aaral, gaya ng mga pag-aaral na case-control, ang mga grupo ng tao na kinilala na may kasaysayan ng sakit na pagkaka-interesan at pagkatapos ay tinanong sila tungkol sa ibat-ibang mga posibleng salik ng panganib, kasama ang paggamit ng mga tiyak na produkto sa kanilang nakaraan. Samantalang ilang mga pag-aaral ng case-control ay nagpakita ng estadistikong kaugnayan sa pagitan ng kanser sa obaryo at mga gumagamit ng pulbo, ang kaugnayang ito ay hindi natagpuan sa malakihan, maaasahang mga pag-aaral. Isang posibleng dahilan na ang ilang mga pag-aaral na case-control ay nakatuklas ng bahagyang estadistikong kaugnayan ay ang posibleng may labis na pag-estima ng totohanang kaugnayan dahil sa recall bias, sapagkat ang mga kasali ay may-kaalaman sa estado ng kanilang kanser sa obaryo kapag nag-uulat ng pagkalantad sa pulbo.11

Mga Reperensya

 

  1. Asosasyon ng mga Industriyal na Mineral. “Ano ang Talc.”
    http://www.ima-na.org/?page=what_is_talc
  2. EARTH magazine. Mineral Resource ng Buwan.
    http://www.earthmagazine.org/article/mineral-resource-month-talc
  3. Geology.com. Talc: Ang Pinakamalambot na Mineral.
    http://geology.com/minerals/talc.shtml
  4. U.S. Food and Drug Administration.
    http://www.fda.gov/Cosmetics/ProductsIngredients/Ingredients/ucm293184.htm
  5. Johnson & Johnson Kilmer House. Ang Pagsilang ng Aming Mga Produktong Pang-sanggol.
    http://www.kilmerhouse.com/2007/04/the-birth-of-our-baby-products/
  6. WJPPS. Talc: a versatile pharmaceutical excipient.
    http://www.wjpps.com/download/article/1386002938.pdf
  7. Hunt atbp. / Interactive CardioVascular and Thoracic Surgery 6 (2007) 117-120.
    http://icvts.oxfordjournals.org/content/6/1/117.full
  8. Gertig, Prospective Study of Talc Use and Ovarian Cancer, Journal of the National Cancer Institute, Nurses Health Study.
    http://jnci.oxfordjournals.org/content/92/3/249.full
  9. Gates, Risk Factors for Epithelial Ovarian Cancer by Histologic Subtype
    http://aje.oxfordjournals.org/content/171/1/45.full
  10. Houghton, Perineal Powder Use and Risk of Ovarian Cancer, Journal of the National Cancer Institute, Womens Health Initiative.
    http://jnci.oxfordjournals.org/content/106/9/dju208.full
  11. Cancer.org. Talcum Powder and Cancer.
    http://www.cancer.org/cancer/cancercauses/othercarcinogens/athome/talcum-powder-and-cancer

Bumalik sa taas